Patuloy na hinahatak ng tropical depression Domeng ang southwest monsoon o hanging habagat.
Sa huling weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa layong 460 kilometers silangan ng Casiguran, Aurora.
Bahagyang lumakas ang lakas ng hangin nito na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugsong nasa 65 kilometers per hour.
Kumikilos ang bagyo pa-hilaga sa bilis na 15 kph.
Hindi magla-landfall ang bagyo at posible itong lumakas at maging tropical storm
Asahan ang paminsan-minsang malalakas na ulan sa southern Luzon at western Visayas.
Ang natitirang bahagi ng Luzon at kabisayaan ay magkakaroon pa rin ng mga kalat-kalat na pag-ulan.
Mapanganib pa ring maglayag sa eastern seaboard ng central at southern Luzon, Visayas at western seaboard ng southern Luzon.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa araw ng Linggo.