Manila, Philippines – Nasa silangan na ng Mindanao ang tropical storm Caloy.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,045 kilometers Silangan Surigao City, Surigao del Norte.
Taglay ng bagyo ang lakas na hanging aabot sa 65 kilometers per hour at pagbugsong nasa 80 KPH.
Mabagal ang kilos nito sa direksyong pahilaga sa bilis na 15 KPH.
Wala nang posibilidad na mag-landfall pa ito sa bansa.
Babalik ulit ito ng karagatang pasipiko sa bukas o sa Biyernes.
Sa ngayon, asahan ang mahihinang ulan sa malaking bahagi ng Luzon partikular sa Bicol region, Eastern Visayas at Mindanao.
Sa Metro Manila, magiging maaliwalas ang panahon.
Facebook Comments