WEATHER UPDATE | TY ‘Kong Rey’, inaasahang papasok ng PAR mamayang hapon

Lumakas at ganap nang typhoon ang binabantayang bagyo sa labas ng bansa.

Ang typhoon na may international name na ‘Kong Rey’ ay namataan sa layong 1,565 kilometers silangan ng katimugang Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 130 kilometers per hour at pagbugsong nasa 160 kilometers per hour.


Kumikilos west northwest sa bilis na 15 kph.

Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Ariel Rojas – inaasahang papasok ito ng bansa mamayang hapon at tatawagin itong ‘Queenie’.

Ito na ang magigiping ika-17 bagyong papasok sa bansa.

Sa ngayon, asahan ang magandang panahon sa halos buong bansa pero asahan ang mga panandaliang ulan sa hapon o gabi.

Facebook Comments