Lalo pang lumakas ang typhoon “Kong Rey” habang papalapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huli itong namataan sa layong 1, 515 kilometers silangan ng Central Luzon.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 145 kilometers per hour at pagbugsong 180 kph.
Kumikilos ang bagyo pa-west northwest sa bilis na 15 kph.
Mamayang hapon, inaasahang papasok sa PAR ang bagyo na tatawagin sa local name na bagyong “Queenie”.
Pero sa ngayon, mananatiling maganda ang panahon sa buong bansa maliban sa isolated rainshower sa hapon o gabi.
Facebook Comments