Halos gumalaw ang typhoon Paeng sa posisyon nito sa Philippine Sea.
Huling namataan ang bagyo sa layong 750 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
Ito ay may lakas ng hanging nasa 160 kilometers per hour at pagbugsong nasa 195 kph.
Mabagal ang pagkilos nito pahilaga.
Tutumbukin nito ang Southern Japan at lalabas ng bansa pagdating ng Sabado, September 29.
Pero ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Ariel Rojas – isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan sa labas ng bansa na nasa 3,100 kilometers silangan ng Mindanao.
Ngayon araw, asahan ang magandang panahon sa halos buong bansa na may posibilidad ng pag-ulan sa hapon o gabi.
Facebook Comments