Lumakas pa ang typhoon Paeng habang papalapit ng extreme northern Luzon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 1,100 kilometers silangang ng Tuguegarao City, Cagayan.
Ito ay may lakas ng hanging aabot sa 170 kilometers per hour at pagbugsong nasa 210 kph.
Kumikilos west-northwest sa bilis itong nasa 20 kilometers per hour.
Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Ariel Rojas – wala pang direktang epekto ang bagyo sa bansa at hindi rin nito pinalalakas ang hanging habagat.
Pero posibleng makaapekto ito sa dulong hilagang Luzon pagdating ng Biyernes (September 28).
Sa ngayon, asahan ang kalat-kalat na pag-ulan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa dulot ng localized thunderstorms.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Sabado, September 29.