Lumakas pa ang typhoon Paeng habang papalapit ng dulong hilagang Luzon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 740 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
Taglay na nito ang 200 kilometers per hour na lakas ng hangin at pagbugsong nasa 240 kilometers per hour.
Bumagal pa ang kilos nito sa 10 kilometers per hour sa direksyong west – northwest.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Ariel Rojas – pagsapit ng Biyernes (September 28) ay inaasahang magdadala ito ng mga mahihina hanggang sa katamtamang ulan sa northern Luzon.
Hindi rin palalakasin ng bagyo ang hanging habagat.
Sa ngayon, mapanganib na maglayag sa hilaga at silangang baybayin ng Luzon.
Facebook Comments