Lumakas ang typhoon ‘Queenie’ nang pumasok ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Namataan ang mata ng bagyo sa layong 1,250 kilometers, silangan ng Tuguegarao, Cagayan.
Ito ay may lakas ng hanging nasa 190 kilometers per hour at pagbugsong nasa 235 kph.
Kumikilos ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Ariel Rojas – wala itong direktang epekto sa bansa at hindi inaasahang tatama sa anumang kalupaan.
Inaasahang lalabas ang bagyo sa Biyernes, October 5.
Pero ang ‘trough’ o buntot ng bagyo ay bahagyang ng ulan lalo na sa silangang Luzon at Visayas.
Maaliwalas na panahon pa rin ang asahan sa natitirang bahagi ng bansa maliban sa mga localized thunderstorms.
Facebook Comments