Lalo pang humina ang typhoon ‘Queenie’ habang nasa Philippine Sea.
Huling namataan ang bagyo sa layong 670 kilometers silangan ng Basco, Batanes.
May lakas ng hanging aabot sa 150 kilometers per hour at pagbugsong nasa 185 kph.
Kumikilos ito pa-hilagang kanluran sa bilis na 20 kph.
Ayon kay DOST-PAGASA Weather Specialist Ariel Rojas – asahang hihina pa ang bagyo habang papalapit ng katimugang bahagi ng Japan.
Posibleng makalabas na ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga.
Dahil walang direktang epekto sa bansa ang bagyo ay asahan ang magandang panahon sa halos buong bansa.
Pero magkakaroon pa rin ng mga panandaliang ulan sa hapon o gabi.
Facebook Comments