WEATHER UPDATE | TY ‘Yutu’, posibleng pumasok ng PAR mamayang tanghali

Posibleng pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang typhoon Yutu o bagyong Rosita mamayang tanghali.

Ayon kay PAGASA weather specialist Lorie Dela Cruz, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,495 kilometers east ng northern Luzon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 225 kilometers bawat oras.


Kumikilos ang bagyo sa direksyong pakanluran sa bilis na 20 kilometers bawat oras.

Sinabi pa ni Dela Cruz na posible na din silang magtatas ng early warning signal sa ilang bahagi ng Cagayan Valley Region bukas ng gabi.

Samantala, idineklara na ng PAGASA ang pagpasok ng amihan season o northeast monsoon kung saan sa mga susunod na buwan ay lalakas na ang hangin na magmumula sa mainland Asia.
Ito ang magpapalamig ng temperatura bansa lalo na sa malaking bahagi ng Luzon at sa Visayas.

Sunrise: 5:50 A.M
Sunset: 5:30 P.M

Facebook Comments