WEATHER UPDATE | Typhoon Domeng tuluyan nang lumabas ng PAR pero habagat, patuloy na magdadala ng ulan

Manila, Philippines – Tuluyan nang lumabas ng Philippine Area of Reponsibility (PAR) ang typhoon Domeng.

Ito ay huling namataan sa layong 1,295 kilometers hilagang silangan ng Basco, Batanes.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot 120 kilometers per hour at pagbugsong aabot sa 145 kilometers per hour.


Kumikilos ito northeast sa bilis na 30 kilometers per hour.

Pinapalakas nito ang hanging habagat na siyang nagpapa-ulan sa ilang bahagi ng Luzon at Visayas.

Madalas ang ulan sa Metro Manila, MIMAROPA at Calabarzon.

Katamtaman hanggang sa malakas na ulan ang asahan sa western Visayas.

Sa Mindanao, magiging maulap ang panahon na may localized thunderstorms.

Sa huling gale warning, delikado pa ring maglayag sa baybayin ng Batanes, Calayan, northern coast ng Ilocos Norte, Isabela, Aurora, Zambales, Bataan, Mindoro, Batangas, at western seaboard ng Palawan, Marinduque at Romblon.

*Sunrise: 5:24 ng umaga*
*Sunset: 6:23 ng gabi*

Facebook Comments