Papalapit ng bansa ang typhoon na may international name na ‘Man-Yi’.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Gener Quitlong – wala pang direktang epekto ito sa bansa dahil nasa 1,100 kilometers pa ito silangan ng Southern Luzon.
Taglay ang lakas ng hanging nasa 145 kilometers per hour at pagbugsong nasa 180 kph.
Kumikilos ito west-northwest sa bilis na 25 kph.
Papasok ito sa area of responsibility ng bansa bukas ng gabi at tatawagin itong ‘Tomas’.
Pero sa ngayon, ang Luzon ay makararanas pa rin ng mga pag-ulan lalo na sa dulong hilaga dahil sa hanging amihan.
Magiging maganda ang panahon sa nalalabing bahagi ng Luzon kasama ang Metro Manila, Visayas at Mindanao.
Facebook Comments