Nananatili sa Pacific Ocean ang bagyong may international name ‘Yutu’.
Huli itong namataan sa layong 2,120 kilometers silangan ng Central Luzon.
Humina ang lakas ng hangin nito na nasa 180 kilometers per hour at pagbugsong nasa 220 kph.
Hindi nagbago ang bilis nito na 20 kph at kumikilos pa kanluran.
Ayon kay DOST-PAGASA weather specialist Chris Perez – mataas ang posibilidad na tumama ito ng kalupaan sa Luzon.
Inaasahang papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas, October 27.
Sa ngayon, mananatiling maganda ang panahon sa halos buong bansa na may posibilidad ng pag-ulan sa hapon o gabi.
Samantala, posibleng ideklara na ang amihan season sa susunod na linggo.
Facebook Comments