WEATHER UPDATE | Unang araw ng 2018, uulanin

Manila, Philippines – Magiging maulan ang unang araw ng Bagong Taon sa ilang bahagi ng bansa.

Ito ay dahil sa tail-end of cold front na nagpapaulan sa Bicol region at ang hanging amihan na nakakaapekto sa Northern at Central Luzon.

Patuloy ding binabantayan ang Low Pressure Area (LPA) na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) na huling nakita sa layong 850 kilometers, silangan ng Surigao City.


Inaasahang magla-landfall ang LPA sa Eastern Visayas o Caraga Area.

May posibilidad itong maging bagyo na tatawaging ‘Agaton’.

Asahan ang malalakas na pag-ulan sa Visayas at Mindanao na magdulot ng flashfloods at landslides.

Sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magiging maaliwalas ang panahon.

Baguio – 13°c
Tagaytay – 21°c
Metro manila -22°c

Sunrise: 6:21 ng umaga
Sunset: 5:38 ng hapon

Facebook Comments