Manila, Philippines – Magiging maulan ngayong weekend sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao.
Ayon sa Weather Bureau, magiging maganda ang panahon sa Luzon maliban nalang sa probinsya ng Mindoro at Palawan.
Para sa mga sasalubong sa Sto. Nino De Tondo Festival, ngayong araw makakaasa kayo ng fair weather sa Tondo, Maynila.
Pinapayuhan naman ang mga taga-Cebu na sasalubong sa Sinulog Festival na magdala ng kapote dahil mataas ang tyansa ng ulan.
Inaasahan rin ang maghapong Isolated Rainshower sa rehiyon ng Caraga, Davao at Zamboanga Peninsula.
Maging ang Northern Mindanao ay makakaranas din ng Thunderstorm sa araw ng linggo.
Sa mga makikiisa ng Hayad Festival sa Misadayap Cotabato, maghanda ng payong dahil may mahinang ulan ngayong hapon.
Sunrise – 6:25am
Sunset – 5:48pm
WEATHER UPDATE | Weekend, magiging maulan sa malaking bahagi ng Visayas at Mindanao
Facebook Comments