Web-based system sa pag-monitor ng drug policies at programs ng gobyerno, pinapagamit ng DILG sa mga LGU’s.

Manila, Philippines – Nais ng Department of the Interior and Local Government na masubok ang ginawang web-based system sa pagsugpo sa suliranin sa illegal na droga.

Ayon kay DILG, Officer-In-Charge Catalino S. Cuy, napapanahon na estratehiya ang paggamit sa information tehcnology sa pagsugpo sa matinding problema ng illegal drugs sa bansa.

Tinukoy ni Cuy ang tinatawag na Integrated Drug Monitoring and Reporting System (IDRMIS) kung saan kinokolekta at sinusuri ang mga impormasyon kaugnay ng drug abuse prevention ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno, LGUs, at organisasyon.


Ang Dangerous Drug Board (DDB) ang bumuo sa naturang sistema na kanilang magiging gabay sa paggawa ng mga plano at polisiya kontra ilegal na droga.

Isasailalim naman ng DILG sa training sa Integrated Drug Monitoring and Reporting System ang mga kinatawan ng Anti-Illegal Drug Abuse Council (ADAC) ng bawat LGUs.

Facebook Comments