Web designer, pinasukan ng gagamba sa tainga

Tila bangungot para sa isang lalaking nagpakilalang arachnophobe (takot sa gagamba) ang umagang nagising siya at nadiskubreng nilunggaan ng gagamba ang kanyang tainga.

Hindi nakapasok sa trabaho dahil nahihilo at barado ang isang tainga ng 27-anyos na si Liam Gomez noong umaga ng Miyerkules, Oktubre 9.

Para bahagyang bawasan ang pananakit, pinatakan ni Gomez ng olive oil ang kanyang tainga at saka muling bumalik sa pagtulog.


Ngunit paggising ay naroon pa rin aniya ang sakit at tunog na parang may kumakahig sa loob, kaya nagdesisyon siyang kalikutin na ang tainga.

Matapos kutkutin ng cotton buds, isang paa ng gagamba ang nakuha ni Gomez at saka na siya gumamit ng hair pin para tuluyang maalis ang insekto.

Hinala ni Gomez, nanggaling ang gagamba sa sapot na hinawi niya sa pinto ng kanilang bahay noong araw bago niya nadiskubre ang insekto sa tainga–aniya, isang misyon ng paghihiganti.

Bangungot daw para sa kanya na isang arachnophobe ang naturang araw at nabanggit ang kabaliktaran ng kanyang sitwasyon–ang pagtatrabaho niya bilang web designer.

Isa lang ang hiling ng lalaki, “I’m hoping it was male, because I’m really hoping it didn’t have the chance to lay eggs!”

Facebook Comments