Website administrator ng “Bikoy video series”, isinailalim na sa inquest proceedings

Manila, Philippines – Sumailalim na sa inquest proceeding sa piskalya ng Department of Justice (DOJ) si Rodel Jayme ang inarestong administrator ng website ng Bikoy videos.

Isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kasong Inciting to Sedition in Relation to Section 6 ng Cyber Crime Prevention Act laban kay Jayme.

Ayon kay Senior Assistant State Prosecutor Anna Noreen Devanadera, nag-wave na ng kaniyang karapatang sumailalim sa preliminary investigation si Jayme.


Aniya, hindi na naghain ng kontra salaysay si Jayme laban sa reklamo ng NBI.

Dahil dito, submitted for resolution na ang kaso.

Sabi ni Devanadera, pag-aaralan nila kung may probable cause ang reklamo ng NBI para maisulong ang kaso sa korte.

Kinumpirma naman ni Devanadera na may kasamang abugado mula sa Public Attorney’s Office (PAO) si Jayme nang iharap sa piskalya.

Facebook Comments