Website ng Kamara, nabiktima ng hacking

Inihayag ni House Secretary Gen. Reginald Velasco na kahapon ng umaga ay nabiktima ng hacking ang official website ng House of Representatives.

ito ang dahilan kaya lumalabas sa website ang mga mensaheng “Happy April Fullz, kahit October palang! Fix your website.”

Binanggit ni Velasco, na agad umaksyon ang Kamara sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa Department of Information and Communications Technology (DICT), Cybercrime Investigation and Coordinating Center at mga law enforcement agencies para imbestigahan ang insidente.


Kaugnay nito, ay pinag-iingat ni Velasco ang publiko laban sa anumang mensahe o email mula ito sa House of Representatives.

Facebook Comments