Website ng Senado, naka-down ngayon dahil sa cyber-attack

Pansamantalang naka-down ngayon ang website ng Senado dahil sa nagpapatuloy na cyber-attack simula kanina bago magtanghali.

Paliwanag ng Electronic Data Processing-Management Information System o EDP-MIS na siyang IT Department ng Senado nagkaroon ng Distributed Denial of Service o DDoS attack sa website ng Senado.

Ang DDoS attack ay paraan ng tangkang pagpapabagsak sa isang website o online service sa pamamagitan ng internet traffic mula sa iba’t ibang sources.


Nagmula umano ang internet traffic mula sa iba’t ibang bansa at lumabas sa kanilang pagsusuri na mayroong fake accounts o spoofed accounts na mga IP address.

Dahil sa DDoS atack ay nagpasya ang EDP-MIS na isara muna ang website ng Senado.

Ganito rin ang klase ng cyber-attack na ginawa sa website ni Senator Richard Gordon noong Lunes.

Facebook Comments