Simula kaninang alas-8 ng umaga ay bagsak ang dickgordon.ph na website ni Blue Ribbon Committee Chairman Senator Richard Gordon dahil sa cyber-attack.
Paliwanag ni Myke Cruz, Information Technology Officer ng tanggapan ni Senator Gordon, nagkaroon ng Distributed Denial of Service o DDoS attack na nagresulta ng pag-shut down ng web services nito.
Paliwanag ni Cruz, ang DDoS attack ay paraan ng tangkang pagpapabagsak sa isang website o online service sa pamamagitan ng internet traffic mula sa iba’t ibang sources.
Ikalawang beses nang nabiktima ng cyber-attack o DDoS attack ang website ni Senator Gordon.
Base sa tanggapan ni Gordon, una itong nangyari noong October 4.
Facebook Comments