Website para sa huling SONA ni Pangulong Duterte, inilunsad ng House of Representatives

Naglunsad na ng website ang House of Representatives para sa magaganap na huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-26 ng Hulyo.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, ang bagong website ay naglalaman ng mga latest news at updates ng mga SONA ni Pangulong Duterte, gayundin ang mga legislative accomplishments ng administrasyon.

Ang microsite ay makikita sa official webpage ng House of Representatives sa congress.gov.ph/sona2021.


Bukod sa mga accomplishment ni Pangulong Duterte ay ilalagay rin sa website ang Legislative Performance Report ng Kamara at piling speeches ng mga mambabatas sa 18th Congress.

Maliban sa mga ito, makikita rin sa nasabing website ang half-minute videos na inihanda ng mga mambabatas na may pamagat na “Sa Lahat ng Pagbabago, Salamat Pangulo! (A Pre-SONA Tribute by the 18th Congress).

Facebook Comments