Wedding vows nina KZ Tandingan at asawang si TJ Monterde, ginawang kanta!

147

Kasunod ng pagdiriwang ng bagong chapter ng kanilang buhay mag-asawa, ini-release ngayon ng newlyweds na sina KZ Tandingan at TJ Monterde ang isang kanta tungkol sa kanilang dalawa.

Nakalagay kasi sa nasabing kanta ang kanilang “wedding vows” na magpapaalala sa kanilang dalawa kung bakit sila nagpakasal sakaling humarap umano sila sa matinding pagsubok.


Ang kanta ay may title na “Simula” na collaboration mismo nina TJ at KZ.

Nitong August 28, 2020, ikinasal sina TJ at KZ sa isang farm sa San Benito, Batangas matapos ang limang taong magka-relasyon.

Facebook Comments