
Umarangkada na ngayong Lunes, August 25, ang River Festival, na siyang week-long celebration ng RMN Iloilo para sa 73rd anniversary ng RMN Network.
Nagsimula ito sa isang fishing competition sa Iloilo River nitong umaga na sinalihan ng halos 200 indibidwal mula sa iba’t ibang lugar sa Western Visayas.
Kasabay nito ay ang RMN Blood Donation Marathon sa Pavia, Iloilo.
Sa Miyerkules, August 27, mayroong fingerlings dispersal sa Iloilo River bilang bahagi ng pagpaparami ng suplay ng isda sa naturang ilog at pagsuporta sa sustainability nito.
Sa Huwebes, August 28, may gaganaping RMN BroadcasTree Tree Growing Activity sa Barangay PHHC Block 22, Mandurriao, Iloilo City, kung saan daan-daang punla ang itatanim ng RMN Iloilo at iFM personnel, kasama ang mga partner ng istasyon.
Samantala, sa araw ng Sabado, August 30, mayroon namang river cleanup at banca river tour sa makasaysayang Batiano Rriver sa Iloilo, na isang inisyatibo upang maibalik ang natural na kalinisan nito at kasaganaan sa isda.
Magiging highlight naman ng selebrasyon ang Baroto Race sa Iloilo River na lalahukan ng halos 50 pares ng participants mula sa buong rehiyon ng Western Visayas.
Ito na ang ikalawang taon ng pagdaraos ng RMN River Festival sa Iloilo.









