Aarangkada mula July 6 – July 8 ang isang week-long job hiring ng lokal na pamahalaan ng Caloocan City.
Ayon sa Public Employment Service Office, aabot sa 10,000 ang target na ma-hire o mabigyan ng trabaho.
Abot sa 3,640 na trabaho ang available sa buong panahon ng job fair.
741 na job vacancies ang sinimulan nang i-fill up ngayong araw kung saan ilan sa mga aplikante ay na na-hired-on-the-spot.
Katuwang dito ng local government unit (LGU) ang iba’t ibang mga ahensya at kompanya na naghahanap ng mga bagong manggagawa.
Prayoridad sa job fair ang mga fully-vaccinated Caloocan residents.
Magsisimula ang local recruitment mula 9:00 am – 3:00pm bukas (July 6) sa Public Employment Services Office (PESO) South Caloocan-City Hall at sa Huwebes (July 7) at sa Biyernes (July 8) sa PESO South at North Caloocan City Hall.