WEEK OF PEACE | Commemorative Program para sa isang taong anibersaryo ng giyera sa Marawi City, plantsado na

Marawi City – Plantsado na ang Commemorative Program para sa isang taong anibersaryo ng giyera sa Marawi.

Ito ang kinumpirma ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process o OPPAP Assistant Secretary Rolly Asuncion kung saan noong isang linggo pa nagsimula ang mga programa para sa isang taong anibersaryo ng Marawi siege.

Ayon kay Asuncion, noong isang linggo ay inilusad nila ang Marawi week of peace kung saan isang linggo itong programa para mga taga Marawi.


At bukas, Mayo byente tres, ang mismong araw kung saan pumutok ang kaguluhan ng Marawi ay may gagawing solemn rites ang OPPAP sa Provincial Capitol Gymnasium.

Alay umano ito sa mga nasawi o mga nagbuwis ng buhay sa kasagsagan ng giyera sa lungsod ng Marawi.

Facebook Comments