Weekday sale sa mga shopping mall, ipagbabawal ng MMDA

Kakausapin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mall operators kaugnay sa mga sale ngayong Christmas rush.

Partikular na hinggil sa operating hours at ang pagbabawal sa mga sale kapag weekdays.

Layon nito na hindi magdulot ng lalo pang pagbigat ng daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.


Ayon pa sa MMDA, 10 hanggang 15 porsiyento ang madadagdag sa volume ng mga sasakyan ngayong papalapit ang Pasko at kasabay ng pagluluwag ng protocols.

Sa ngayon, halos kalahating milyon ang mga sasakyan na bumabaybay sa mga lansangan sa Metro Manila.

Facebook Comments