‘Weightlifting Fairy’ Lee Sung Kyung, makikilala na ang fans sa Manila

Courtesy from Lee Sung Kyung instagram @heybiblee

Agad na nag-trending sa social media ang balitang makikilala na ng k-pop fans ang kanilang iniidolo na si Lee Sung Kyung sa kaniyang pagbisita sa Manila ngayong Hulyo.

Gaganapin ito sa SM Sky Dome sa darating na Hulyo 27, 6:00 ng gabi.

Nilabas nitong Martes ang ticket prices na P8,500, P6,500 at P4,000 hindi kasama ang ticketing charges.


Nakilala si Lee Sung Kyoung sa mga proyekto nitong “Cheese in the Trap”, “The Doctors” at “About Time.”

Lalong-lalo na ang kaniyang role bilang Kim Bok-Joo sa isang seryeng “Weighlifting Fairy Kim Bok-Joo” na kasama niya rito si Nam Joo Hyuk.

Nag-debut ang kaniyang acting career nang gumanap siya na isang supporting role sa television drama na It’s Okay, That’s Love.

Magsisimula ang ticket sales sa Mayo 31 sa SM Tickets outlets nationwide at online sa https://www.smtickets.com.ph/.

Facebook Comments