Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang naging desisyon ng Court of Appeals sa kaso ng Rappler kaugnay sa pagrevoke ng kanilang registration Securities and Exchange Commission o SEC.
Ito ang reaksyon ng Malacañang matapos pagtibayin ng Appellate Court ang desisyon ng SEC na bawiin ang registration ng Rappler dahil nakokontrol umano ng banyaga ang operasyon ng Rappler.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, sinusuportahan ng desisyon ng Court of Appeals ang paninindigan ng Malacañang na walang kinalaman ang kasong ito sa press freedom kundi ito ay isang usapin ng regulatory power ng SEC.
Tiwala aniya sila na mareresolba din ng SEC ang kasong ito ng Rappler.
Facebook Comments