Manila, Philippines – Itinuturing ni Sub-Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe na welcome development ang pasya ng Ombudsman na sampahan ng kasong katiwalan si dating Department of Transportation (DOTr) Secretary Joseph Emilio Abaya at iba pang opisyal.
Kaugnay ito sa umano ay maanumalyang maintenance contract para sa Metro Rail Transit o MRT line 3.
Ayon kay Poe, tugma ang pasya ng Ombudsman sa resulta ng imbestigasyon ng Senado kaugnay sa mga aberya sa operasyon ng MRT.
Diin ni Senadora Poe, ang hakbang ng Ombudsman ay paalala sa lahat ng mga nasa gobyerno na ang katiwalian ay seryosong kasalanan.
Giit ni Poe, isa itong leksyon sa lahat ng public officer para hindi nila makalimutan na may pananagutan sila sa lahat ng kontratang pinapasok nila sa ngalan ng mamamayang Pilipino.