WELCOME DEVELOPMENT | Pagtatayo ng isang mega casino sa Boracay, hindi na itutuloy

41

Manila, Philippines – Hindi na itutuloy ng Galaxy Entertainment Group ang pagtatayo ng casino facility sa isla ng Boracay.

Ayon kay Tourism Assistant Secretary Ricky Alegre, welcome development ang pag-atras sa Boracay ng Galaxy Group na maghahanap na lamang ng ibang lugar.

Una nang nakakuha ang grupo ng provisional license para sa pagtatayo ng 500 million dollar na integrated casino-resort project sa nasabing isla.

Pero noong April 4 ay inaprubahan ng Pangulo ang pagsasara ng isla sa mga turista para isailalim sa rehabilitasyon na tatagal ng anim na buwan.

Facebook Comments