WELCOME | Malacañang, masaya sa pagtingin ngmam amayan na nasa tamang landas ang Administrasyong Duterte

Welcome sa Palasyo ng MalacaƱang ang resulta ng 3rd quarter survey ng Social Weather Station o SWS na nagpapakita na 75% ng ating mga kababayan ay naniniwala na papunta sa tamang direksyon ang bansa sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Chief Presidential Legal Counsel at Presidential Spokesman Secretary Salvador Panelo, itinuturing nilang inspirasyon ang resulta ng survey para magtrabaho pa ng mas maigi at magbigay ng mas magandang serbisyo sa mamamayan.

Umaasa naman si Panelo na sa patuloy na pagtaas ng tiwala ng mamamayan sa Administrasyon ay masmagkaisa ang mamamayan para makabuo ng isang bayan na mas komportable at may desenteng pamumuhay para sa bawat isa sa ilalim ng isang mapagkakatiwalaang pamahalaan.


Sinabi ni Panelo na sanay magkaisa ang mga Pilipino para makamit ang minimithi ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa bayan.

Facebook Comments