Manila, Philippines – Magkakaloob ng temporary shelter sa mga Filipino ang embahada sa Moscow, Russia.
Ito ay dahil sa maraming mga Pinoy ang napaulat na stranded dahil sa heavy snow at blizzards.
Ayon sa Philippine Embassy sa Moscow welcome ang mga Pinoy sa embahada anumang oras kung sila man ay mahihirapang makauwi dahil sa masamang lagay ng panahon sa nasabing bansa.
Mayroong mga kwarto, bathrooms, kitchen with food and other supplies ang embahada para sa mga stranded na mga Pinoy.
Sa pinakahuling ulat, nakakaranas parin ng heavy snowfall sa Moscow kung kaya’t marami ang stranded.
Facebook Comments