WELCOME | Pagsali ulit ng Pilipinas sa Asian Games welcome sa Indonesia Asian Games Organizing Committee

84

Manila, Philippines – Mainit na tinanggap ng Indonesia Asian Games Organizing Committee ang muling pagsali ng Gilas Pilipinas sa 2018 Asian Games.

Pero dahil sa pagbabago ng isip, mapupunta ngayon ang Philippine team sa Group D kung saan makakasama nito sa bracket ang China at Kazakhstan.

Sa original na bracket nasa Group B ito kasama ang Iran, Syria at UAE.

Isang panalo lang ang kailangan ng Pilipinas para pumasok ito sa quarterfinals ng Asiad.

Kapwa tinalo ng Gilas Pilipinas ang China at Kazakhstan sa huling laban nila.

Wagi ang Gilas sa Kazakhstan, 88-58 noong 2013 FIBA Asia Cup habang winalis ng mga Pinoy ang China, 96-87 sa 2017 FIBA Asia Cup.

Facebook Comments