“Welcome to China” at “Welcome to Vietnam” text message sa Pag-asa Island, ipinaliwanag ng Smart

Ipinaliwanag ng Smart Communications Inc. kung bakit nakatanggap ng text message ang ilang bumisita sa Pag-asa Island na bumabati sa pagpasok sa China at Vietnam.

Ayon kay Smart Spokesperson Ramon Isaberto, ang kanilang cellular site sa isla ay hindi gumagana sa loob ng ilang buwan.

Nahihirapan aniya na makapunta ang kanilang repairmen sa lugar.


Umaabot ang signal ng Vietnamese at Chinese mobile operator sa Pag-asa Island dahil ang cellular sites ng mga ito ay malapit sa isla.

Tiniyak ng Smart na aayusin nila ang kanilang cell sites at inaasahang gagana sa katapusan ng linggo.

Facebook Comments