Welder, Arestado sa Tumauini, Isabela!

Tumauini, Isabela- Nahuli ang isang welder pasado alas onse kaninang umaga matapos isilbi ang Warrant of Arrest nito sa Brgy. Caligayan, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang nadakip na si Johnny Domingo Madamo, 41 anyos at residente ng nasabing barangay.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan mula sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), inaresto ng PNP Tumauini ang suspek sa bisa ng madamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22 Cabagan, Isabela dahil sa kasong paglabag sa RA 9262 o Violation Against Women and Children.


Pansamantalang makakalaya si Madamo kung makakapaglagak ito ng kanyang piyansang pitumpu’t dalawang libong piso (72,000.00).

Facebook Comments