Himas rehas ngayon ang dalawang katao matapos mahulihan ang mga ito ng mga ipinagbabawal na droga at baril sa inihaing search warrant ng awtoridad sa Tayug, Pangasinan.
Nakumpiska ang 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P102, 000, 2.3 gramo ng dried marijuana leaves, at isang Caliber 38 revolver at dalawang bala.
Nakilala ang dalawa na isang 42 anyos na welder at 49 anyos na construction worker, pawang mga residente ng Tayug.
Haharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act, at R.A. 10591 o Illegal Possession of Firearms and Ammunition). |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments









