Welder, Huli sa Iligal na Droga!

16

Delfin Albano, Isabela- Arestado ang isang lalaki matapos manggulo dakong ala una y medya ngayong hapon, June 13, 2018, sa Barangay Villaluz, Delfin Albano, Isabela.

Nakilala ang suspek na si Rody Caliguiran, tatlumpu’t limang taong gulang, may asawa, isang welder at residente ng naturang lugar.

Batay sa nakalap na impormasyon ng RMN Cauayan, ipinagbigay alam ni Barangay Captain Olympio Sta. Maria sa himpilan ng PNP Delfin Albano na mayroong nangyayaring kaguluhan sa nasabing lugar kaya’t agad na nirespondehan ng mga pulis.

Nang awatin ng mga rumespondeng si Caliguiran ay nasamsaman ito ng tatlong rolyo ng papel na naglalaman ng mga tuyong dahon ng marijuana at nakumpiska rin mula sa suspek ang isang patalim.

Sa ngayon ay nakapiit na sa PNP Delfin Albano ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Facebook Comments