WELDER, NAKORNER SA PAGBEBENTA NG ILIGAL NA DROGA SA SANTIAGO

CAUAYAN CITY- Himas rehas ngayon ang isang lalaki matapos maaresto ng mga otoridad sa isinagawang drug buy-bust operation sa Bagong Buhay, Brgy. Batal, Santiago City.

Kinilala ang suspek na si alyas “Ranz”, 51-anyos, at residente ng nabanggit na lugar.

Narekober sa pag-iingat ng suspek ang isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, cellphone, at motorsiklo.


Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa pag-iingat ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon.

Samantala, mahaharap si alyas “Ranz” sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments