WELDER, NASAMSAMAN NG BARIL AT ILIGAL NA DROGA

CAUAYAN CITY- Tuluyan nang napasakamay ng mga otoridad ang ang isang lalaki matapos masilbihan ng search warrant laban sa iligal na droga at hindi lisensyadong baril sa Purok 3, Brgy. District IV, Tumauini, Isabela.

Kinilala ang suspek na si alyas “Gerald”, at residente ng nabanggit na lugar.

Sa isinagawang paghahalughog ng mga otoridad a tahanan ng suspek, narekober ang dalawang (2) heat-sealed plastic sachet na na naglalaman ng hinihinalang shabu, dalawang (2) lighter na may improvised tooter (foil), at isang (1) improvised tooter


Nakumpiska rin ang isang (1) .38 caliber revolver na walang serial number, dalawang (2) bala ng caliber .38, at tatlong (3) cartridge case ng nasabing baril.

Dinala ang suspek sa himpilan ng kinauukulan para sa kaukulang dokumentasyon at pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Facebook Comments