Nasawi ang isang lalaki sa San Carlos City matapos itong makuryente sa Isang live wire sa kaniyang ginagawang sidecar.
Nakilala ang biktima na isang 27 anyos at residente ng Brgy. San Isidro, Binmaley, Pangasinan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, aksidente nitong nahawakan ang live wire ng kanyang tinatrabahong linya ng ipinapaayos na bahagi ng isang sidecar.
Ayon Kay Calasiao Police Station Deputy Chief of Police PMaj. Resty Ventanilla, inaalam na ang pananagutan ng may-ari ng sidecar at amo ng biktima.
Agad namang itinakbo sa pagamutan ang biktima subalit idineklarang itong dead on arrival. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments