Monday, February 23, 2026

WELDER, TIMBOG SA DRUG BUY-BUST SA BARANGAY PANTAL, DAGUPAN CITY

Naaresto ng mga awtoridad ang isang 33-anyos na lalaki na nagtatrabaho bilang welder matapos maaktuhan sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Pantal, Dagupan City kanina, ngayong Pebrero 23, 2026.

Ayon sa Dagupan City Police Office (DCPO), ang suspek ay itinuturing na Street-Level Individual (SLI) at residente ng Barangay Mayombo.

Sa operasyon, nakumpiska mula sa suspek ang isang plastic sachet na naglalaman ng tinatayang dalawang gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na P13,600.

Bukod sa droga, nasamsam din ang isang cellphone at boodle money na ginamit sa transaksyon.

Pinangunahan ang operasyon ng Police Station 1 katuwang ang iba pang yunit ng DCPO at PDEA-RO1.

Kasalukuyang nakapiit ang suspek sa custodial facility ng DCPO at nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments