WELDER, TIMBOG SA PAGLALAKO NG IPINAGBABAWAL NA GAMOT

Cauayan City – Arestado ang isang lalaki matapos nitong magpositibo sa isinagawang Anti-Illegal Drug buy-bust operation kagabi, ika-10 ng Setyembre sa Sitio Del Corpuz, Brgy. Labinab, Cauayan City, Isabela.

Ang suspek ay kinilalang si alyas “Balong”, 39-anyos, Welder, at residente ng Brgy. Minante 1, Cauayan City, at itinuturing na Street Level Individual.

Sa ikinasang operasyon ng Cauayan City Police Station, positibong nasamsam sa pag-iingat at kontrol ng suspek ang isang nakarolyong papel na naglalaman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana, 1000 peso bill na siyang buy-bust money, at isang cellphone.


Ayon sa suspek na si alyas “Balong”, aminado itong gumagamit ng ipinagbabawal na gamot, at labis umano itong nagsisisi kaya naman handa umano siyang magbago.

Samantala, matapos ang pagmamarka at pag-iimbentaryo sa mga nakumpiskang ebidensya kaagad na dinala ang mga ito sa himpilan ng Cauayan City PS maging ang suspek na nakatakdang maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments