Welfare officer na nasa viral video habang pinagsisigawan ng mambabatas sa kasagsagan ng relief operation sa Taguig, dumepensa

Naglabas ng saloobin ang Taguig City Social Welfare and Development Office staff na pinagsisigawan ng isang mambabatas sa kasagsagan ng relief operations sa Taguig.

Ayon kay Welfare Officer Faisal Gamao, maayos ang naging pagpapaliwanag nila kay Taguig Representative Pammy Zamora hinggil sa protocol sa relief operations subalit bigla na lang daw silang pinagsisigawan ni Zamora.

Inihayag din ni Faisal na noong araw na nagpupumilit pumasok sa Gat Andres Bonifacio High School ay stressful ang kondisyon noon kaya hindi agad sila makakalapit sa bawat elected official na nagpapatawag sa kanila.


Pagod na rin aniya sila noon at may mga nagpapasuso pa ng sanggol at nag-aalaga ng mga bata.

Mayroon din aniya silang mga senior citizens at persons with disabilities (PWD) na inaasikaso kaya may takdang oras ng pagbisita sa evacuation centers ng mga nais tumulong.

Una nang umani ng batikos mula sa netizens ang naturang viral video.

Facebook Comments