WELGA | CHR, nagpadala ng quick reaction team sa NutriAsia sa Bulacan

Bulacan – Inatasan ng Commission on Human Rights (CHR) ang regional office nito sa Bulacan na magpadala ng quick response team na magiimbestiga sa naging marahas na pagbuwag sa picket line ng nagwewelgang manggagawa ng NutriAsia.

Ikinabahala ng CHR ang pag-aresto at marahas na paghuli sa mga bata, kababaihan at matatanda.

Ayon kay Atty. Jacqueline De Guia, spokespersons ng CHR, nakalulungkot na nangyari ang marahas na dispersal sa gitna ng proseso ng mediation ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa pagitan ng NutriAsia at ng union organizer.


Nangako ang CHR na babantayan ang sitwasyon ng mga manggagawa sa nabanggit na kumpanya.

Hinamon nito ang DOLE na agarang solusyunan sitwasyon sa NutriAsia at kilalanin ang dignidad at karapatan ng mga manggagawa.

Facebook Comments