Tinapos na ng mga militanteng grupo ang kanilang kilos protesta sa tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC).
Ayon sa mga kabataan na nagkilos protesta, nananawagan silang masagot sila ng mga opisyal ng COMELEC hinggil sa kredibilidad ng halalan kahapon.
Giit kasi ng mga ito, kwestyunable ang resulta ng halalan bunsod na rin ng kaliwa’t kanang mga aberya na nangyari sa Vote Counting Machines (VCMs) at SD cards.
Ang mga ito naman ay bantay sarado ng civil disturbance unit ng Manila Police District habang sila ay nagpprotesta kanina.
Samantala, sa Liwasang Bonifacio naman ay magvi-vigil ang ilang grupo ng mga kabataan na tutol at hindi matanggap ang kinalabasan ng halalan.
Giit pa ng mga ito magtutuloy-tuloy ang kanilang mga demonstrasyon lalo na’t base sa partial and unofficial result ng halalan si dating Sen. Ferdinand BongBong Marcos ang susunod na presidente ng bansa.