WESCOM Chief Vice Admiral Carlos, pinalitan

Pansamantalang hahalili kay AFP Western Command (WESCOM) Chief Vice Admiral Alberto Carlos si Naval Education, Training and Doctrine Command Chief Rear Admiral Alfonso Torres Jr.

Ito ay matapos na maghain ng personal leave si VAdm. Carlos simula kahapon.

Samantala, nilinaw naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na walang kaugnayan sa pinalutang ng Chinese Embassy hinggil sa umano’y “New Model Arrangement” sa Ayungin Shoal ang dahilan nang pagli-leave ni Carlos.


Ani Padilla, pansamantala lang na pamumunuan ni RAdm. Torres ang WESCOM at babalik din sa pwesto si VAdm. Carlos pagkatapos ng kanyang personal leave.

Paliwanag ni Padilla, kailangan lang magtalaga ng pansamantalang uupo sa WESCOM dahil sa kritikal ang nasasakupan nito kabilang ang mga pinag aagawang teritoryo sa WPS.

Facebook Comments