West Cebu Ecozone, mas pinalawak para sa mas maraming negosyo at trabaho

Pinalawak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sakop ng West Cebu Industrial Park–Special Economic Zone sa Balamban, Cebu, sa pagdaragdag ng pitong lote na halos 70,000 square meters ang kabuuang sukat.

Sa Proclamation No. 1105, isinama na sa ecozone ang mga lupain sa Barangay Arpili at Buanoy.

Layunin nitong makahikayat pa ng mas maraming negosyante, makalikha ng trabaho, at mas mapaunlad ang industriya sa kanlurang bahagi ng Cebu.

Alinsunod ito sa Special Economic Zone Act at sa mga patakaran ng Philippine Economic Zone Authority, na nagbibigay ng insentibo at suporta sa mga kumpanyang papasok sa ecozone.

Inaasahan ng pamahalaan na magbubukas ang pagpapalawak na ito ng mas maraming oportunidad para sa ekonomiya ng Balamban at buong lalawigan ng Cebu.

Facebook Comments