WEST PH COUNCIL, ITINATAG PARA SA PROTEKSYON NG MGA BAYBAYIN SA LA UNION

Itinatag ng Pamahalaang Panlalawigan ng La Union ang West PH Council upang matutukan ang pagsasagawa ng mga hakbang sa proteksyon ng ng mga baybayin na sakop ng lalawigan.

Mangunguna bilang Chairperson ang Gobernador at magsisilbing miyembro ang mga component local government units at iba pang national government agencies tulad ng DILG, DENR, BFAR, PNP at iba pa.

Kabilang sa magiging tungkulin ng council ang paghahanda sa Provincial West Philippine Sea Action Plan na nagsasaad ng komprehensibong hakbang sa mga baybayin kada tatlong taon.

Layunin din ng council na maprotektahan ang mga coastal communities sa lalawigan para sa kabuhayan ng mga lokal na mangingisda.

Hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ang aktibong pakikiisa ng mga ahensya upang tuluyang maipatupad ang action plan maging sa mga barangay. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments