Muling nanindigan si Pangulong Rodrigo Duterte na pagmamay-ari ng Pilipinas ang West Philippine Sea (WPS) at ang Malampaya natural gas reservoir.
Ito ang pahayag ng Pangulo kasunod ng mga akusasyong bigo nitong ipaglaban ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ayon sa Pangulo – kinikilala niya ang commitment ng security forces sa kanilang sinumpaang tungkulin na ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas, sa himpapawid man o sa dagat.
Ang Malampaya ay matatagpuan 80 kilometro hilagang kanluran ng Palawan.
Ito ay nagbibigay ng 2,700 megawatts o katumbas ng 30% ng power generation requirement sa Luzon.
Facebook Comments